KINUMPIRMA ng Department of Agriculture na nakapasok na rin sa bansa ang bird flu.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar ang detection ng H5N6 avian influenza sa barangay Ulanin-Pitak, Jaen, Nueva Ecija.
Ayon kay DAR, nasa 1,500 mula sa 15,000 na mga quail o pugo ang namatay sa isang farm sa Nueva Ecija noong Marso 9 at nagpositibo sa avian influenza.
Dahil dito, nasa 12,000 aniya na pugo ang kailangan patayin o isailalim sa depopulate noong Sabado.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng mga protocol ang DA para mapigilan ang pagkalat ng avian influenza.