Bivalent vaccines, gagamitin lamang para sa booster vs COVID-19 –eksperto

Bivalent vaccines, gagamitin lamang para sa booster vs COVID-19 –eksperto

INAASAHAN na malapit nang dumating sa bansa ang mga bivalent vaccines na sinasabing makapagbibigay ng dagdag na proteksyon sa COVID-19 at sa mga Omicron subvariants lalo na sa XBB.1.5, ang sinasabing super variant.

Pero paglilinaw ni Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvanna, gagamitin lamang ito sa pagtuturok bilang booster shots.

Ang mga lumang bakuna pa rin ang gagamitin para sa primary series o sa pagalalapat ng first at second dose.

“Ang bivalent vaccine is only indicated as a booster. Even sa US ganoon pa rin. Ang gagamitin pa rin natin na primary series, iyong first dose and second dose, ay iyong lumang bakuna – iyong monovalent dahil iyon po talaga iyong may approval para dito. Even in the US, ang bivalent ay ginagamit lang nila for now para sa booster,” ani Dr. Edsel Salvanna, Infectious Disease Expert.

At sa paggamit nito, susundin pa rin daw ang priority list, ibig sabihin hindi ito ilalapat agad sa general population.

“Iyong A1 na healthcare workers, A2 iyong ating elderly population, at iyong A3 na may mga comorbid conditions – I think iyon pa rin ang gagamitin natin na priority list dahil ito iyong mga taong at highest risk for bad outcomes. Iyong health care workers obviously, kasi kami iyong nakaharap doon sa mga taong may covid, and of course iyong ating vulnerable population – iyong elderly, and those with comorbids na pinakamataas iyong risk nila of severe outcomes,” saad nito.

Ang bisa ng bivalent vaccines ay nakadepende sa dalawang bagay:

“Unang-una, ano ba iyong proteksiyon na pinag-uusapan natin – is it protection from infection which is mediated by antibodies na natural bumababa iyong level of protection talaga overtime or; iyong protection from severe and hospitalization na mas nananatiling matagal dahil ibang component ng immune system ang nagdudulot nito – iyong tinatawag natin na T-cells,” dagdag niya.

“So, ngayon ang nakikita natin ay nakakadagdag ng proteksiyon itong bivalent vaccines against infection and nai-extend din niya iyong protection against severe disease – mas pinapataas niya iyong antas,” aniya pa.

Aminado naman si Salvanna, na mababa pa rin ang bilang ng booster coverage ng bansa.

Sa huling tala ng DOH, nasa 21 mahigt pa lang ang nakapagpabooster.

Pero ang ganitong sitwasyon ay nangyayari din sa ibang bansa.

“Iyong WHO nga ay nababahala na dahil napakababa talaga ng uptake ng boosters. Kasi siyempre iyong primary series ang laki na rin ng impact, mababa na iyong mga number of people na namamatay bagama’t marami pa rin ang nahahawa especially with this new variants,” aniya.

“So hopefully, kapag sinabi natin na, ‘okay, nandito na iyong mga bivalent boosters,’ lalung-lalo na iyong ating vulnerable population ay tumaas din po iyong kanilang uptake nito,” pagtatapos ni Salvanna.


Follow SMNI NEWS in Twitter