Biyahe ng bus patungong Bicol sa PITX, fully book hanggang katapusan ng Disyembre

Biyahe ng bus patungong Bicol sa PITX, fully book hanggang katapusan ng Disyembre

FULLY book na hanggang sa katapusan o Disyembre 31 ang biyahe ng bus mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) patungong Bicol.

Kabilang na rito ang rutang Legazpi, Tabaco at Naga City batay sa tala ng PITX.

Gayunpaman, marami pa ring chance passengers ang nag-aabang sa terminal at nagbabakasakaling makauwi ngayong Pasko.

Samantala, una namang tiniyak ni PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa na walang ma-stranded na pasahero patungong Bicol maging sa papuntang Visayas at Mindanao.

Ayon kay Calbasa, nagkaroon na rin ng karagdagang bus para matugunan ang mga demand dahil ang mga bus mula Bicol ay matatagalang makabalik bunsod ng mga nasirang daan dulot ng nagdaang mga bagyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble