ANG bagong ruta ay magsisimula sa Marso 30, 2025, na may pang-araw-araw na biyahe papunta at pabalik sa parehong destinasyon.
Inaasahang magbibigay ito ng mas maraming oportunidad sa mga biyahero mula sa Metro Manila at mga karatig na lugar sa North at Central Luzon.
Sinabi ni CEB President at Chief Commercial Officer Xander Lao na ang pagpapalawak na ito sa Clark ay kasunod ng naunang anunsyo ng Cebu Pacific na unti-unti nilang ililipat ang ilang flights ng Cebgo (DG) mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungo sa Clark, alinsunod sa desisyon ng Manila Slot Coordination Committee ng Department of Transportation.
Kasama na rin sa ililipat na mga biyahe ang mga flights patungong Masbate at Siargao.
Sa pagdaragdag ng El Nido, Coron, Masbate, at Siargao sa kanilang network, ang Cebu Pacific ay magpapatakbo na ng kabuuang labinglima (15) domestic at international destinations mula sa Clark.
Kabilang na rito ang biyahe mula Bohol, Caticlan, Cebu, Davao, General Santos, Iloilo, Puerto Prinsesa, Bangkok, Hong Kong, Narita, Singapore.
Tinatayang nasa labing siyam na libong pasahero ang maaaring maapektuhan sa gagawing paglilipat ng ilang ruta ng Cebu Pacific mula Manila patungong Clark International Airport.
“We are delighted to announce that Cebu Pacific will now operate a total of 15 domestic and international destinations from Clark. Further solidifying its position as the largest carrier operating from this station. The total number of passenger impact… a little bit 19,000 in total,” ayon kay Xander Lao President & Chief Commercial Officer.
Una na ring inanunsyo ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC)ang paglilipat ng bagong terminal assignment sa Ninoy Aquino International Airport,
Kabilang na ang domestic flights ng Cebu Pacific mula Terminal 3 papuntang Terminal 2 ngayong unang quarter ng taon.
Gayunpaman, upang hindi magkaroon ng kalituhan sa mga pasahero, hinihikayat ng airline na makipag-ugnayan sa kanila ang kanilang mga pasahero.
“Just go to the website, if you can check flight status, and it will also indicate the terminal,” saad ni Candice Iyog, Chief Marketing and Customer Experience Officer.
Sa kabila nito, patuloy na nag-aalok ang Cebu Pacific ng mga oportunidad na makapunta sa iba’t ibang destinasyon sa pamamagitan ng kanilang mga seat sales at promosyon.