MAAARING pabalikin na sa kanilang mother unit ang lahat na personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na naideploy sa Bureau of Corrections (BuCor).
Partikular na saklaw rito ang BJMP personnel na naideploy sa BuCor kasunod ng pagkaka-appoint ng suspendidong BuCor chief na si Gerald Bantag noong 2019.
Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, ang MOA na nilagdaan ng BJMP at BuCor para dito ay expired na noong nakaraang buwan.
Gayunpaman, sinabi ni Remulla na maaaring mai-request ni OIC Gregorio Catapang Jr. na mai-retain ang mga BJMP personnel na ito.