BJMP, planong magkaroon ng mas maraming pasilidad para maiwasan ang kasikipan sa mga bilanggo

BJMP, planong magkaroon ng mas maraming pasilidad para maiwasan ang kasikipan sa mga bilanggo

SINABI ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na plano nitong magkaroon ng mas maraming mga pasilidad upang mapababa ang congestion rate sa mga kulungan nito sa buong bansa.

Sinabi ni BJMP spokesperson Chief Jayrex Bustinera na nasa 367 percent na ang congestion ng mga kulungan ngayon mula sa 600 percent sa nakalipas na 5 taon.

Bukod dito, sinisiguro din aniya ng mga jail officer na ang kaso ng mga persons deprived of liberty (PDL) ay nakararating sa korte upang mapalaya nang maaga ang mga PDL at mapabuti at mapalawak pa ang mga pasilidad.

Dagdag ni Bustinera, sa ngayon ay mayroong 378 jail facilities sa buong bansa at may laman itong nasa 126,000 na PDLs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter