NILINAW ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang nakompromisong mga sensitibong datos sa nangyaring cybersecurity breach sa website ng ahensiya.
Matatandaan na kamakailan lang ay inatake ng hackers ng grupong Philippines Exodus Security (PHEDS) ang website ng BJMP kung saan inamin ng mga itong nakakuha sila ng access sa mga private data ng ahensiya.
Giit ng BJMP, walang personal at sensitibong datos na nakompromiso sa naturang hacking incident.
Kasalukuyan namang isinailalim sa maintenance ang website ng ahensiya.