Black Friday Protest ng ilang makakaliwang grupo, perwisyo lamang – NCRPO

Black Friday Protest ng ilang makakaliwang grupo, perwisyo lamang – NCRPO

BINIGYANG diin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang isinagawang Black Friday Protest sa harap ng Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City ng ilang makakaliwang grupo ay perwisyo lamang.

Ngayong araw nagtipon-tipon ang ilang grupo na kinabibilangan ng mga makakaliwa para sa tinawag nilang  Black Friday Protest dahil sa umanoy naging dayaan sa halalan.

Kabilang sa mga nanguna sa naturang protesta ay ang mga lider ng mga makakaliwang grupo na si Neri Colmenares at Sarah Elago.

Ang kanilang isinagawang protesta kanina ay nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko dahil sa kailangan isara ng mga kapulisan ang ilang lugar para na rin sa seguridad ng mga nakapalibot na mga establisimyento.

Pagbibigay diin pa ng tagapagsalita ng NCRPO na si Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, malaking abala ito sa publiko lalong lalo na sa mga may trabaho.

Aniya, bagama’t karapatan ng bawat indibidwal na magpahayag ng kanilang mga hinaing sa gobyerno lalot ngayong panahon ng halalan.

Giit pa ni Tecson, mas maganda umano na idaan sa legal at maayos na proseso ang pagpapahayag nila ng hinaing sa pamahalaan.

Isinagawang rally sa Pasay, walang permit

Napag-alaman rin mula kay Tecson na ang mga nagprotesta ay walang permit mula sa lokal na pamahalaan ng Pasay para magsagawa ng rally.

Sa katunayan, ikinagulat ni OIC Admin na si Jing Rey ng lungsod Pasay ang isinagawang rally ng mga makakaliwang grupo dahil wala umano silang natanggap na impormasyon kaugnay sa ginawang aktibidad ng mga nasabing grupo.

“We were not informed at all, wala kaming information at all. Nagulat na lang din kami na we were told na sa ordinance namin yung Malibay Plaza at Freedom Park namin na puwedeng mag-convene sila na katulad ng ganyan,” pahayag ni Rey.

Sinabi pa niya, bagama’t ang lugar ang hawak ng CCP Complex at PICC management ay kinakailangan pa rin daw ito dumaan sa LGU upang mabigyan ng kaukulang permit, pero bigo itong nangyari.

“Para naman maayos palagi, kasi everytime na may letter of objection kami, meron kasing mga pulis and a lot of department ang nandiyan. May pulis bastat may fire, syempre we don’t know what’s gonna happen kapag may meeting na ganyan, especially may maraming tao,” ayon kay Rey.

“So, we never allow unless may coordination with us kasi we just don’t give out ano permit may meeting pa iyan and it goes a process at hindi na lang basta puwede magbigay na and we need to ask kung ano yung coordination with other like sa area may Star City diyan and I suppose may ano. Lahat kasi diyan ay hindi, kasi it will not allow na madi-disrupt yung whatsoever na businesses sa area and we really need a coordination. Kaya, sana yung mga ganyan hindi talaga namin iyan ina-allow without a permit. Kaya, but as far as sa CCP and PICC ang concern hindi kasi sila nakipag-coordinate with us,” ayon pa ni Rey.

Kasabay niyan, hindi na rin nasusunod ang health protocols sa lugar gaya ng social distancing at karamihan din sa mga kabataan ay hindi maayos ang pagkakasuot ng face mask.

At hindi rin matukoy ng mga pulisya kung ang mga rallyistang ito ay bakunado ba laban sa COVID-19 lalot nagpapatuloy pa rin ang banta ng virus sa bansa.

Dagdag pa ni Tecson, sapat naman ang kanilang mga tauhan upang maayos na mabantayan ang naturang rally.

Samantala, sinabi naman ni NTF-ELCAC Spokesperson at Undersecretary Lorraine Badoy na hindi maipagkakaila na mismo na ang taumbayan ang pumili sa susunod na mamumuno sa bansa.

“So iyong hindi nila pagsunod ng batas, itong mass movement nila hindi lang iyan sa Manila that is all over the Philippines, pero pockets no at maliliit lang sila at ano ang purpose nun? Ang purpose nun talaga is talagang pahinain ang gobyerno at the end of this, hindi pa nga nakaupo ang presidente ang bagong presidente o ang bagong pangulo at ang vice president dinidis-credit na nila kung hindi pa naman stupid ang mga ito. Di ba at tsaka ang maduming election? Ang PPCRV mismo ang nagsabi na this is credible elections and an independent body and in fact marami ng world leaders ang nagbigay ng congratulations nila sa incoming presumptive president Bong Bong Marcos,” ayon kay Badoy.

Sa katunayan, pinanindigan din COMELEC na malinis at patas ang resulta ng eleksyon, ito’y sa kabila ng mga alegasyon ng dayaan sa nakalipas na halalan.

Sa isang statement, sinabi ni COMELEC Comm. George Garcia na walang kaduda-duda na tama ang naging pagbilang sa mga boto.

Matatandaang, malayo na rin ang agwat ng nakuhang boto ng BBM-SARA kumpara sa mga manok ng mga ito na Leni-Kiko kung saan itong mga nangdaang halalan umabot na sa mahigit 31 milyong boto ang nakuha ng dalawang nangungunahang presidente at bise-presidente.

Follow SMNI News on Twitter