Blackhawk Helicopter ng Philippine Air Force, nagsagawa ng damage assessment sa mga sinalanta ng Bagyong Paeng

Blackhawk Helicopter ng Philippine Air Force, nagsagawa ng damage assessment sa mga sinalanta ng Bagyong Paeng

LUMIPAD ang dalawang S-70i Blackhawk Helicopter ng Philippine Air Force para magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa Southern Luzon dahil sa iniwang epekto ng Bagyong Paeng.

Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, ginawa ang RDANA noong Nobyembre 1 sa pangunguna ng Tactical Operations Group 4 ng Tactical Operations Wing Southern Luzon.

Kasama sa kanilang flight mission sina Southern Luzon Command acting commander Brigadier General Armand Arevalo at Joint Task Force Katagalugan Commander Major General Roberto Capulong, kung saan sinuri nila ang gumuhong Bantilan Bridge na nagdudugtong sa San Juan, Batangas at Sariaya, Quezon.

Habang nagsagawa rin ng RDANA ang isang team mula sa Tactical Operations Group 5 ng Tactical Operations Wing Southern Luzon kasama ang Office of Civil Defense 5 sa mga apektadong lugar ng Catanduanes at Camarines Sur sa Bicol region.

Tiniyak ng Air Force na nakahandang umasiste ang lahat ng kanilang tauhan at air asset sa area commands at local government units sa pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter