PINURI ni Sen. Chiz Escudero ang nilikhang blacklisting committee ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel.
Ayon kay Escudero, kumpiyansa siyang malilinisan ni Laurel ang mga kontrobersiyal na bumabalot sa agriculture sector.
Positibo rin ito na magiging daan ito na magbubukas ng mga benepisyo sa mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng blacklisting committee ay mapapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa manlolokong manufacturers, suppliers, contractors, hoarders, at smugglers sa agricultural products.
Sinabi rin ni Escudero na suportado niya ang mga pagbabagong ginagawa ngayon ng kalihim sa DA at naniniwala siyang mapataas nito ang Gross Domestic Product (GDP) ng DA.