Blackpink, pinarangalan ng Time’s 2022 bilang Entertainer of the Year

Blackpink, pinarangalan ng Time’s 2022 bilang Entertainer of the Year

ITINANGHAL ang South Korean girl group na Blackpink bilang Entertainer of the Year ng Time Magazine’s 2022.

Sa isang post sa Instagram ng Time, sinabi nito na nagawa ng Blackpink na maging pinaka malaking girl group sa buong mundo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng solo ng bawat miyembro nito.

Sinabi ng Time na nagawang magtagumpay ng Blackpink na hatakin ang atensyon ng mga tao mula sa lahat ng parte ng mundo hindi lamang sa kanilang musika kundi na rin dahil sa kanilang pagiging fashion icons.

Ang biggest girl group ay binubuo ng mga miyembrong sina Jisoo, Jennie, at Rosé ay nag-debut noong 2016 sa ilalim ng K-pop label na YG Entertainment.

Sila ang nasa likod ng mga hit songs na “Boombayah”, “As If It’s Your Last,” Ddu Du Ddu Du,” “How You Like That” at marami pang iba.

 

 

Follow SMNI News on Twitter