Blessing ceremony ng newly-renovated Maharlika Hall sa Villamor Air Base, pinangunahan ni PBBM

Blessing ceremony ng newly-renovated Maharlika Hall sa Villamor Air Base, pinangunahan ni PBBM

DUMALO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa blessing ceremony ng newly-renovated Maharlika Hall sa Villamor Air Base, Pasay nitong Miyerkules.

Ito ay bago ang pagtungo ni Pangulong Marcos sa Thailand para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.

Ang Maharlika Hall ang nakatakdang paliparan para sa pag-alis at pagdating ng Pangulo sa kanyang mga opisyal na biyahe.

Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy ang suporta nito sa mga proyektong pang-imprastraktura ng bansa na makatutulong mapasigla ang turismo at mapalawak ang economic opportunities.

Follow SMNI NEWS in Twitter