Blood test kit ng Singapore, makikilala kung ang isang tao ay immunized laban sa COVID-19 sa loob lang ng 10 minuto

Blood test kit ng Singapore, makikilala kung ang isang tao ay immunized laban sa COVID-19 sa loob lang ng 10 minuto

NAKABUO ng isang blood test kit ang bansang Singapore na malalaman sa loob ng 10 minuto kung ang isang tao ay ligtas or immune sa virus na COVID-19.

Kumpara sa mga naunang laboratory test na umaabot ng 24 hanggang 72 na oras at kinakailangan pa ng mga espesyalista para malaman kung ligtas ba o hindi ang isang tao.

Ang nasabing kit ay kinakailangan lamang ng patak ng dugo para malaman kung ang isang tao ay mayroong antibodies laban sa SARS CoV-2 at makukuha agad ang resulta sa loob ng 10 minuto lamang.

Ang nasabing test kit ay nabuo sa pangunguna ng Singapore-Mit Alliance for Research Technology (SMART) -isang research institute ng Massachussetts at Nanyang Technological University.

Patuloy pa ring pinag-aaralan ang posibilidad na ito na ang magiging pangunahing test kit na magagamit ng buong mundo.

 

Follow SMNI News on Twitter