Blu Card holders sa EMBO, maaari pang makakuha ng kanilang 2023 incentive—Makati LGU

Blu Card holders sa EMBO, maaari pang makakuha ng kanilang 2023 incentive—Makati LGU

MAAARI pang makakuha ang mga Blu Card holder sa EMBO barangays ng kanilang 2023 incentive.

Batay iyan sa anunsiyo ng Makati City government.

Sinabi ng Makati LGU na para makuha ang kanilang incentive ay pumunta lamang sa portal ng Makati sa proudmakatizen.com mula ngayong araw, Enero 9, 2024 ng 12 nn, hanggang Enero 31, 2024.

Kinakailangan lamang nilang i-update ang kanilang GCash number.

Paalala ng Makati na hanggang Hunyo 30, 2024 na lang puwede makuha ang kanilang incentive.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble