Blue Ribbon ng Senado pinapadeport si Michael Yang

Blue Ribbon ng Senado pinapadeport si Michael Yang

INIREREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee ang agarang pagdeport kay Michael Yang, ang dating economic adviser ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa preliminary report na inilabas ng Senate Blue Ribbon Committee, ang Chinese businessman na si Yang, Lin Weixiong, at ay dapat ma-deport dahil sa pagiging “Undesirable Aliens”

Para kay Senator Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon, malinaw na si Yang ay hindi lamang financer sa Pharmally scandal, kundi isa ding tax evader.

“It seems to become clearer that his role might not be that of a mere financier; but this ‘pagador’ [paymaster] has played a role in this scandal more than that of a mere financier. He refuses to tell the Committee the source of his money, the extent of his businesses and holdings, how much taxes he has paid,” saad ni Gordon

Ayon sa report ng komite, nilabag ni Yang  ang National Internal Revenue Tax Code, ito ang naging basehan sa pagsampa ng kasong kriminal, pagdeklara bilang undesirable alien, at agarang pagpapadeport.

“Despite decades of lucrative and peaceful sojourn in our country, his care is not for others who had not only been hospitable to him, but also even allowed him to amass great wealth,” pahayag ng Senate Blue Ribbon Committee sa report.

Nakasaad din sa report na napag-alaman sa mga ginawang hearing sa Senado na si Yang ay nagmamay-ari ng iba’t ibang multi-million properties sa bansa.

Nang tinanong patungkol sa kanyang negosyo, tumanggi itong banggitin ang source ng kanyang pondo at mga negosyo dahil sa takot umano na mawalan ng mga kustomer.

“We discovered that in almost a quarter of a century of staying in the Philippines, conducting lucrative businesses, he started paying taxes only recently in 2018, declaring income of PhP 288,000 for the year, and paying a measly amount of Php 7,600.00. Financing the Pharmally contracts was a sure way of washing his cash. He, for all intents and purposes, is the co-conductor of this horrible mess,”ayon sa komite.

Una na ring itinanggi ni Yang sa Senado na may kaugnayan sya sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ngunit napag-alaman din sa kalaunaan na nanghiram ng pera ang nasabing kompanya para pondohan ang isang programa ng gobyerno.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter