BOC, kinumpiska ang P100-M halaga ng mga pekeng produkto sa Tondo

KINUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P100 milyong halaga ng mga pekeng produkto mula sa isang bodega sa Tondo, Manila.

Sinalakay ng Customs Intelligence and Investigation Service Agents mula sa Manila International Container Port ang isang bodega kung saan nadiskubre ang mga intellectual infringing items gaya ng mga bags kabilang na ang mga malalaking brands na Louis Vuitton, Gucci at Chanel.

Bukod dito ay nasamsam din ng Customs ang mga hindi rehistradong face shields, face masks, fake medicines at mga pekeng sabon.

Ang aksyong ito ay bahagi ng layunin ng BOC na mapigilan ang pagkalat ng mga peke at smuggled goods sa bansa.

SMNI NEWS