BOC, maghihigpit ng seguridad laban sa mga kontaminadong agri products

BOC, maghihigpit ng seguridad laban sa mga kontaminadong agri products

MAS maghihigpit pa ngayon ang Bureau of Customs (BOC) upang hindi makapasok sa Pilipinas ang mga kontaminadong agri products mula sa mga banned na bansa.

Ang nasabing paghihigpit ay upang protektahan ang mga Pilipino mula sa mga kontaminadong produkto na posibleng may masamang epekto sa kalusugan ng tao.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 110-2022 na may petsa ng Agosto 10, ilan sa mga produktong kasama sa mga  imo-monitor at babantayan ng mga BOC personnel ay ang mga domestic at mga wild birds mula sa mga bansa na kontaminado ng highly pathogenic avian influenza kabilang ang mga poultry meat, day old chicks at mga itlog nito.

Ilan sa mga bansa na nakabanned mula sa pagpapasok ng naturang produkto ay ang Afghanistan, Albania, Australia at marami pang iba.

Kabilang din sa tinututukan ng BOC na hindi dapat makapasok sa bansa ang mga agri products na apektado ng bovine spongiform encephalopathy mula sa bansang Belgium, Brazil at Canada.

Maging ang mga agri products mula sa mga bansang tinamaan ng African swine fever mula sa bansang Belgium, Bulgaria, at Cambodia kabilang ang mga domestic and wild pigs at mga produkto nito.

Pati ang mga produktong hinihinalaang may foot-and-mouth disease (FMD)-susceptible animals at ang iba pang food commodity na hindi pinapayagan ng importasyon tulad ng piranha, janitor fish, knife fish, at black chin tilapia.

Matatandaan noong July 18, 2022 nang sumulat ang BOC kay Department of Agriculture (DA) Sec. President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para hingin ang bagong listahan ng mga naka-ban at kontaminadong produkto na hindi dapat makapasok sa bansa.

Ang bagong listahan o reference letter ay ibinigay naman ng DA noong Agosto 1.

Batay sa liham, ang listahan ay mula sa opisina ni dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na kamakailan ay nag-resign dahil sa anomalya sa sugar importation.

Follow SMNI News on Twitter