BOC, nagtayo ng “one-stop shop” para sa mga parating na COVID-19 vaccines

NAGTAYO na ng one-stop shop ang Bureau of Customs (BOC) para sa mga parating na COVID-19 vaccines.

Ito ang inihayag ni BOC Post-Clearance Audit Group Head Atty. Vincent Maronilla sa panayam ng SMNI News.

“Nagtayo na kami ng one-stop shop namin doon kasama ‘yong ibang mga ahensya ng gobyerno na may mga regulatory powers din po over this kind of goods,” ayon Maronilla.

Kasama sa mga ahensiya sa one-stop shop ng BOC ay ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH).

Sisiguraduhin naman ng BOC na may Emergency Use Authorization mula sa FDA ang mga darating na bakuna.

Samantala, sang-ayon sila sa utos ni Pangulong Duterte na ‘di na kailangan pang tingnan ang mga bakuna dahil mismong ang gobyerno ang tatanggap ng mga ito.

Bukod pa rito, ani Atty. Maronilla, napakasenstibo ng mga bakuna kaya’t ‘di na idadaan sa x-ray machine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.