BOC, nakakumpiska ang P26.6-M halaga ng smuggled sigarilyo sa Davao

BOC, nakakumpiska ang P26.6-M halaga ng smuggled sigarilyo sa Davao

NAKAKUMPISKA ang Bureau of Customs (BOC) ng P26.6-M halaga ng smuggled na sigarilyo sa port ng Davao.

Sa naging operasyon ng BOC at Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) noong Lunes, Nobyembre 6, nasa 35,850 na mga ream ng assorted cigarettes ang nakuha.

Nakatanggap ang BOC at NFEM ng tip nang umano’y isang motorized banca ang nagdadala ng smuggled na produkto kung kaya’t nagsagawa sila ng operasyon para dito.

Noong Marso ay nasa P19-M na halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska rin sa Davao del Sur.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble