BOC, sinabon sa Senado dahil sa mabagal na pagpapanagot sa mga agricultural smugglers

BOC, sinabon sa Senado dahil sa mabagal na pagpapanagot sa mga agricultural smugglers

SINABON sa Senado ang Bureau of Customs (BOC) dahil mabagal na pagpapanagot sa mga agricultural smugglers.

Araw ng Martes ay gumulong na ang pagdinig sa Senado para sa pagtatag ng Anti-Agricultural Smuggling Court.

 

Layunin nito ay upang mapabilis ang pagpapataw ng parusa sa mga agricultural smugglers.

 “Hindi lingid sa kaalamn ng lahat na kahit pinasa na ang RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling  Act of 2016, authored by Sen. Villar, ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpasok ng mga smuggled agricultural products  of our local farmers,” ayon kay Sen. Francis Tolentino, Chair Committee on Justice and Human Rights.

Taong 2016 ay may batas na laban sa agricultural smuggling, bagama’t maraming nakasuhan sa non-bailable na offense ay wala namang nakulong.

Sa ilalim ng batas ay reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong ang parusa sa economic sabotage dala ng agricultural smuggling.

Ayon sa Implementing Rules and Regulations ng Anti-Agricultural Smuggling ACT ang Customs dapat ang manguna sa pagsasampa ng kaso laban sa smugglers.

 “Kaya walang nakasuhan for 6 years eh. The law was passed in 2016 today is 2023, 7 years.  … Dapat yung mga affected ng smuggling,” ayon kay Sen. Cynthia Villar, Chair Committee on Environment and Agriculture.

Sa pagdinig ay kinumpirma rin ng BOC na wala pa itong napakulong sa taong 2022 at 2023, panahon kung saan  nagtaasan ang presyo ng sibuyas at asukal.

Ayon kay Atty. Karen Yambao ng Customs, 24 na kaso ang nai-file patungkol sa large scale smuggling para sa taong 2022, 46 naman na parehong kaso sa 2023 pero wala pa itong  resulta dahil nakatengga pa aniya ito sa Department of Justice (DOJ) na hanggang sa ngayon ay nasa preliminary investigation pa rin.

Ang ginagawang rason ng Customs ay hindi umobra kay Sen. Francis Tolentino.

Ipinunto ng senador na kung kulang ang mga dokumento na isinumite ng BOC sa DOJ ay maaantala ang kanilang preliminary investigation.

 “All the cases are still for preliminary investigation with the Department of Justice … For the date that I have in here, wala pa po,” ayon kay Sen. Francis Tolentino

Sa 159 na kaso ng agriculture smuggling 48% ang ibinasura—DOJ

Sa panig naman ng DOJ ay inilahad nito na halos kalahati ng mga smuggling complaints mula taong 2016 hanggang sa buwan ng Pebrero 2023 ay nadismiss dahil sa posibleng kakulangan ng dokumento.

 “So from 2016 to 2023 in February … 76 or 48% were dismissed…. A lack of documents/probable cause,” ayon kay Atty. Florina Agtarap, State Counsel III, DOJ.

Dagdag din ng DOJ na mula sa nasabing bilang ay nasa 9 lamang ang nakasalang o umabot sa korte.

Nais ngayon ng mga senador na repasuhin ang Implementing Rules and Regulation ng Anti-Agricultural Smuggling Act upang malaman kung papano naging komplikado ang sana ay napasimpleng batas laban sa mga smugglers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter