KINAKAILANGAN magkaroon ng body cameras ang mga security official para maiwasan ang pang-aabuso.
Ayon kay Mr. Raj Joshua Thomas, president ng security association ng Singapore ang pang-aabuso laban sa mga opisyal ng seguridad ay matagal nang problema ng bansa.
Dagdag pa ni Mr. Thomas, ang pagkakaroon ng body cameras ay makatutulong para mabawasan ang mga verbal at physical abuse na nararanasan ng mga awtoridad.
Matatandaan, isang security official ang sugatan dahil sa pag-atake ng isang grupo sa City Square Residences.