NANINIWALA ang American Aerospace Company na Boeing na aabot sa 2.8K (2,835) ang mga jet na maihahatid nila sa Indian at South Asian Airlines sa susunod na 20 taon.
Mas mataas ito kumpara sa 2.7K (2,705) na 20-year outlook na inilabas nila noong nakaraang 2024.
Ayon sa pahayag ng Boeing, layunin nila ang magbigay ng mas malawak na air travel access sa India at South Asia, kaya’t nadagdagan na nila ang target na deliveries ng mga eroplano sa rehiyon.
Ang Boeing ay isang kilalang brand ng eroplano na may magandang reputasyon sa kalidad ng kanilang mga produkto.
Sa Pilipinas, ang Philippine Airlines ay gumagamit ng Boeing jets.