Bohol Governor at 68 iba pa, suspendido

Bohol Governor at 68 iba pa, suspendido

PINATAWAN ng preventive suspension si Bohol Gov. Aris Aumentado at 68 iba pa sa loob ng anim na buwan.

May kaugnayan ang suspensiyon sa imbestigasyon ng kontrobersiyal na Captain’s Peak Resort sa Chocolate Hills.

Matatandaang ang nabanggit na resort ay walang Environmental Compliance Certificate (ECC) at Special Use Agreement in Protected Areas (SAPA) mula sa Department of Environment and Natural Resources– Environmental Management Bureau.

Ang suspensiyon ay inilabas noong Mayo 22 laban kay Gov. Aumentado maging mga local official gaya ng mga mayor at barangay officials sa iba’t ibang bayan ng Bohol.

Kasama rin sa suspensyion ang DENR-EMB Regional Director at DENR Region 7 Protected Area Management Board Regional Director.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble