Bolivia, nagpadala ng police reinforcement sa pangatlong araw ng mga kilos-protesta

Bolivia, nagpadala ng police reinforcement sa pangatlong araw ng mga kilos-protesta

NAGPADALA ng dagdag na police reinforcement ang Bolivia sa pangatlong araw ng mga kilos protesta sa bansa.

Patuloy ang ginagawang pagpoprotesta ng mga Bolivians laban sa pamahalaan at sa pangatlong araw ng rally ay nagpadala na ito ng dagdag na kapulisan.

Sa utos ni Bolivian President Luis Arce ay nagpadala ito ng daan-daang police reinforcement para pigilan ang mga nagaganap na pagpoprotesta sa buong bansa.

Samantala, sa Santa Cruz lamang ay nasa 200 na mga kapulisan ang ipinadala ng pamahalaan dahil na rin sa karahasang nagaganap sa mga lansangan dito kabilang na ang mga rehiyon ng Potosí, Cochabamba, Tarija at Sucre, kung saan naitala ang pagbabanggaan ng mga nagpoprotesta at mga pulis.

Kamakailan lamang ay nagsimula ang kalat-kalat na demonstrasyon ng mga union at anti-government groups kontra sa batas 1386 o ang national strategy to combat the legitimization of illicit proceeds and financing of terrorism kung saan nababahala ang mga ito na maaaring magamit ang batas sa pang-aabuso ng kapangyarihan at ang pagbawi ng pamahalaan ng mga pribadong pag-aari.

Nais ng mga demonstrador na bawiin ng pamahalaan ang nasabing batas o kaya ay i-repeal ito, hanggang hindi ito ginagawa ng pamahalaan ay hindi umano titigil ang mga kilos protesta.

SMNI NEWS