Boluntaryong pagsuko ni Pastor ACQ, dahil sa pagmamahal sa KOJC at supporters

Boluntaryong pagsuko ni Pastor ACQ, dahil sa pagmamahal sa KOJC at supporters

MALA-hostage taking ang istilo ng ginawang pagkubkob at ilegal na pag-okupa ng kapulisan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) religious compound sa Davao City.

Lahat ito – dahil sa pagnanais na mahuli si Pastor Apollo C. Quiboloy, at apat na iba pang indibidwal.

Bitbit ang isang arrest warrant – ginalugad nang walang pakundangan ng halos limang libong pulis sa pamumuno ni Nicolas Torre ng PRO XI ang religious compound ng KOJC.

Ayon sa legal counsel ng KOJC, labag ito sa batas ngunit dahil wala nang magawa ang KOJC, tuluyan nang inokupa ng libu-libong pulis ang nasabing compound.

Isa ang nasawi sa unang araw ng operasyon habang higit 50 ang sugatan dahil sa marahas na pagpasok ng kapulisan.

Nilapastangan ng kapulisan ang sagradong lugar ng KOJC nang halos kalahating buwan, partikular nang kubkubin ng PNP ang KOJC cathedral na ginawang command post ng mga pulis.

Maging ang Jose Maria College, hindi nila pinalampas.

Ilegal na naghukay ang mga pulis at pinanindigang may underground tunnel sa basement ng paaralan dahil na rin sa ‘di maipaliwanag na heartbeat na kanila raw’ng nade-detect.

Nagkaroon na rin ng Senate hearing sa Davao City, sa pag-asang mapapaalis na ang libu-libong kapulisan, ngunit bigo rin ang Senado kaugnay rito. Sa katunayan, mas nanindigan pa si Torre na mas magiging mahigpit sila sa kanilang operasyon.

Noong Setyembre 8, nakatanggap ng impormasyon ang KOJC na ang libu-libong pulis na nasa KOJC religious compound ay sasalakay nang marahas, aarestuhin ang mga missionaries, at sapilitan silang paalisin sa compound.

Bagay na hindi na kaya pang matiis ni Pastor Apollo ayon kay Atty. Israelito Torreon, isa sa mga legal counsel ng KOJC.

“Kasi nga si Pastor Apollo C. Quiboloy ay naawa na talaga sa kanyang mga flock, sa kanyang mga member and he cannot anymore take the continuing lawless violence that was happening in the KOJC compound where a warrant of arrest has been converted into a license and the KOJC compound has already become as a police garrison. Where can you find a warrant of arrest na ginawa nang lisensya, ito na ‘yung KOJC compound ay mga pulis na po ang nakatira. ‘Yung cathedral niya ay sinalahura no, ‘yung aming eskwelahan ay binutasan na, nagiging mining operation na, may namatay na.  59 persons were already arrested no, 59 persons were hospitalized and 29 persons were unjustly arrested and so many have already suffered. So, sabi ni Pastor [Apollo C. Quiboloy] he has to voluntarily surrender,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.

Ani pa ni Atty. Torreon, sumuko si Pastor Apollo sa AFP at hindi sa PNP.

Para naman kay Jeffrey “Ka Eri” Celiz, ang desisyon ni Pastor Apollo na iligtas ang KOJC sa kaniyang pagsuko ay nagbigay daan din kung gaano ka abusado aniya ang Marcos Jr. administration.

“Ang pag-surrender ni Pastor hindi po siya nahuli, to give emphasis to that, was a noble and moral duty that Pastor did not only for the members and leaders of Kingdom of Jesus Christ but for the nation. Bakit po? Sapagkat sa gitna ng 16 na araw, ngayon lang po nasaksihan ng buong bansa at ng buong mundo kung paano ginamit ni Marcos ang mga pulis na maging lawless elements at ipatupad ang systematic widespread terrorism against a portion of civilian population, never itong ginawa ng kanyang tatay na lusubin, agawin, kubkubin, saktan at kung kinakailangan may mamatay sa loob ng isang religious compound,” wika ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Anchor, SMNI.

Labis naman ikinalungkot ni Dr. Lorraine Badoy ang naging desisyon ni Pastor dahil ani Badoy, tulad ng milyong-milyong miyembro ng KOJC, handa silang mag-alay ng buhay para kay Pastor Apollo dahil sa pag-ibig at para sa katarungan ng ating bayan.

“I was so sad when I found out that Pastor had surrendered. How I wish he hadn’t done so because there were so many of us, Pastor, who’s willing to go as far as we could to really protect you. Because we do not trust this government and we are right, we are seeing it right now. There are so many of us, Pastor, na talagang mahal na mahal ka, na talagang we were willing to give our lives so that you would be protected. And we were so sad that you had surrendered, but we know that you did it out of your love for us,” saad ni Dr. Lorraine Badoy, Anchor, SMNI.

Sa kabila ng opresyong dinaranas, nagpaabot pa rin si Pastor Apollo ng kaniyang mensahe sa lahat ng sumusuporta sa kaniya at sa buong KOJC.

Sa ngayon, patuloy ang pananalangin ng mga misyonaryo at maging mga tagasuporta ng KOJC na sa huli ay makakamit din ang hustisya kasabay ng pag-asang matatapos din ang paghahari-harian ng isang gobyernong mapang-abuso at gahaman sa kapangyarihan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble