SUMUKO sa mga otoridad ang isang bombmaker ng teroristang grupong Dawlah Islamiya (DI) sa Carmen, North Cotabato.
Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, kumander ng 6th Infantry Division ng Philipine Army, boluntaryong sumuko ang miyembro ng DI bitbit ang armas nito kina Lt. Col. Rommel Mundala, kumander ng 90th Infantry Battalion, at Col. Jovencio Gonzales, kumander ng 603nd Infantry Brigade.
“He was a high-value target. A bomb-making expert,” ayon kay Uy.
Itinago ang pagkakilanlan ng sumukong rebelde bilang proteksyon sa pamilya nito sa posibleng pangha-harass ng mga dating kasamahan nito sa grupo.
Pormal nag iniharap ang DI member kay Gonzales sa 603nd brigade headquarters sa Camp Lucero, Carmen sa North Cotabato kahapon, araw ng Lunes.
“This surrender was a joint effort of the military and police forces in coordination with the local government unit of Carmen,” ayon sa pahayag ni Gonzales.
Isasailalim ang dating DI member sa Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong Pakikibaka-Hadlangan ang Violent Extremism (DIWATA HAVEN) program ng lokal ng gobyerno.
Sa ilalim ng nasabing programa, tatanggap ang sumukong rebelde ng livelihood packages at tulong mula sa gobyerno upang mamuhay ng maayos at matiwasay kasama ang kanyang pamilya.
BASAHIN: 2 menor de edad ng komunistang teroristang grupo, sumuko