KUNG ano ang suportang ipinadama ng Misamis Oriental kay Sen. Bong Go sa mga lumipas na taon, ganon din ang salubong sa kaniya at sa buong “DuterTen” o Duterte Senatorial Candidates.
Mula sa motorcade sa Cagayan de Oro hanggang sa grand rally sa El Salvador, Misamis Oriental, tiniyak ni Senator Go ang patuloy na paghahatid ng more malasakit at more serbisyo—lalo pa’t kung makakasama niya sa Senado sina: Senator Bato Dela Rosa, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Raul Lambino, Atty. Vic Rodriguez, Pastor Apollo Quiboloy, Dr. Richard Mata, Cong. Rodante Marcoleta, at Phillip Salvador.
Buo ang loob ng “DuterTen” na ipaglaban ang ikabubuti ng Mindanao tulad na lamang ng ginawa noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Patuloy ang panawagan ni Kuya Bong Go para sa kalusugan, kaligtasan, at kalayaan ni Tatay Digong.
Number one sa Misamis Oriental si Senator Bong Go noong 2019 election. Nagpasalamat siya para sa pagkakataong makapaglingkod.
Tiniyak din ni Mr. Malasakit na walang pili ang kaniyang pagseserbisyo, dahil hangad niya na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan, lalo na ang serbisyo medikal para sa mahihirap na Pilipino.