Bong Go sa barangay officials: Unahin ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga kababayan

Bong Go sa barangay officials: Unahin ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga kababayan

KASUNOD ng mga kalamidad tulad ng muling pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon, nanawagan si Sen. Bong Go para sa buong implementasyon ng “Ligtas Pinoy Centers Act,” isang batas na kaniyang isinulong upang magtatag ng mga evacuation centers sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Ayon sa senador, layunin ng batas na ito na magbigay ng ligtas, malinis, at komportableng matutuluyan para sa mga evacuee sa panahon ng kalamidad.

Bilang pangunahing may-akda at co-sponsor ng nasabing batas, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan, kaligtasan, at dignidad ng mga naapektuhang pamilya.

Inaasahan niyang magiging malaking tulong ang mga evacuation centers upang mapabuti ang kondisyon ng mga evacuee sa mga oras ng krisis.

Habang nagsasalita bilang guest of honor at speaker sa isang forum ng mga barangay officials mula sa Bulacan, ginanap sa Iloilo City, inanyayahan ni Senador Go ang mga kapwa niya government workers na unahin ang mga nangangailangan, lalo na ang mga mahihirap na naapektuhan ng mga sakuna.

Patuloy niyang isinusulong ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga kababayang nangangailangan, lalo na sa mga pinaka-mahina at hindi kayang magbayad ng medikal na pangangalaga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble