MULI na namang ma-eenjoy ng mga taga-Surigao at ng mga turista ang makulay at masayang Bonok-Bonok Maradjaw Karadjaw Festival matapos ang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Tampok sa unang araw ng pagdiriwang ang mga binibining magpapamalas ng kanilang angking ganda at talino sa Rayna ng Bonok-Bonok 2022.
Ibibida rin ng mga taga-Surigao ang kanilang musika sa gaganapin na Tukar Bonok-Bonok Music Showdown.
Highlight din ng selebrasyon ang street dancing competition na idaraos bukas, araw ng Biyernes.
Nangangahulugang “malakas na ulan” ang bonok-bonok at “tanging ang pinakamabuti” naman ang maradjaw karadjaw.
Nagmula ang Bonok-Bonok Festival sa paniniwala na ang malakas na buhos ng ulan ay makatitiyak ng saganang ani ng palay, root crops, at prutas na pangunahing pagkain ng mga taga-Surigao.