Boracay, isa sa pinakamagandang tourist attraction sa buong mundo—Travel Company

Boracay, isa sa pinakamagandang tourist attraction sa buong mundo—Travel Company

PASOK ang Boracay Island sa ikinokonsiderang pinakamagandang tourist attraction sa mundo batay sa survey ng leisure travel company na Travel + Leisures.

Sa naturang survey, nakakuha ng 165-k na boto o 92.94 score mula sa readers ng travel company.

Maliban sa pagiging isa sa pinakamagandang tourist attraction sa mundo, tinawag ding “The Island That Never Sleeps” at “The Best Leisure Vacation Destination” ang Boracay.

Samantala, iniulat ng Boracay Island na narating na nila ang kanilang target na tourist arrivals para sa taong 2023.

Mula Enero hanggang Hunyo 11, nasa 998-k na ang dumating na mga biyahero sa isla.

Lagpas kalahati na ito sa 1, 800, 000 na 2023 target tourist arrivals ayon sa Malay Tourism Office.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter