Boracay, tatanggalin na ang RT-PCR test para sa mga fully vaccinated tourist simula Nov.16

Boracay, tatanggalin na ang RT-PCR test para sa mga fully vaccinated tourist simula Nov.16

TATANGGALIN na sa Boracay ang RT-PCR test para sa mga fully vaccinated tourist simula November 16.

Hindi na magiging required ang RT-PCR test para sa mga fully vaccinated tourist na bibisita sa Boracay.

Ito ang ininanunsyo ni Aklan Governor Florencio Miraflores.

Gayunman, sinabi ni Miraflores na kailangan ng mga turista na ipresenta ang kanilang Vaccination Certificate o VaxCertph na mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) website o ang kanilang vaccination card na may Qr code galing sa issuing Local Government Units (LGU).

Habang ang mga hindi pa aniya bakunado o nakatanggap pa lang ng isang doses ay kailangan magpresenta ng negative RT-PCR test result.

Sinabi ni Miraflores na mayroon silang systems para matiyak na mahuhuli ang mga magpepresenta ng pekeng vaccination certificates.

Batay kay Miraflores, 94% ng tourism workers sa Boracay ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

SMNI NEWS