Border control, hindi kailangang higpitan kasunod ng pagpasok ng XBC, XBB variant – DOH

Border control, hindi kailangang higpitan kasunod ng pagpasok ng XBC, XBB variant – DOH

NANINDIGAN ang Department of Health (DOH) na hindi kailangang higpitan ang border control ng bansa kasunod ng pagpasok ng XBC, XBB variant.

Ayon sa DOH, kailangang matutunan ng publiko ang mamuhay kasama ang virus at mag-adopt sa anumang sitwasyon.

Sa isang press briefing nitong Miyerkules nang inanunsyo ng DOH na nakapasok na sa bansa ang XBC variant at XBB Omicron subvariants na sinasabing highly transmissible.

Dahilan ang nasabing mga subvariant ng pagsipa ng kaso sa ibang mga bansa tulad ng Singapore.

Dahil dito naitanong sa DOH kung maghihigpit ba ng border control ang bansa kasunod ng mga bagong  variants.

Pero para kay Health OIC Usec. Maria Vergeire, hindi kailangang maghigpit sa border control.

Dagdag pa ni Vergeire, na handa ang bansa sakaling tataas ang mga kaso kasunod ng pagpasok ng XBB at XBC variants.

Maliban pa diyan, ay nariyan din ang nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan at nagpapatuloy ang pagpapatupad ng minimum health standard para malabanan ang malalang sakit na idinudulot ng mga variants.

Para malabanan aniya ang mga bagong variants ay kailangang maitaas ang wall of immunity.

Dahil inaasahan naman ng DOH na tataas ang kaso, babantayan ng ahensiya ang mga admission sa ospital.

Sa tala ng DOH, 81 na kaso na ng XBB subvariant ang detect sa bansa habang 193 cases naman sa XBC kung saan lima na ang namatay dahil dito.

Ang XBB variants ay unang naitala sa bansang India at naidentify na sa 24 bansa katulad ng Singapore, na sinasabing ito ang pangunging dahilan ng pagspike ng kaso doon.

Ang XBC variant ay ang recombinant ng Omicron BA. 2 at ng Delta Variant.

Follow SMNI NEWS in Twitter