Border sa pagitan ng Malaysia at Singapore, nakapagtala ng 12-M manlalakbay

Border sa pagitan ng Malaysia at Singapore, nakapagtala ng 12-M manlalakbay

MAHIGIT 12 milyong katao ang naglakbay sa pagitan ng Malaysia at Singapore mula nang muling buksan ang border noong Abril 1.

Batay sa record mula sa Immigration Department, humigit kumulang 6.3 million Malaysians at 2.3 million foreigners ang naglakbay sa pamamagitan ng Sultan Iskandar Customs, Immigration and Quarantine Complex o CIQ BSI.

Habang may 2.7 million Malaysians at 704,000 foreigners ang naglakbay sa pamamagitan ng Sultan Abu Bakar Complex o CIQ KSAB.

Ayon kay Menteri Besar of Johor Datuk Onn Hafiz Bin Dato’ Ghazi, may kabuuang 138,000 indibidwal ang pumasok at lumabas sa CIQ BSI araw-araw habang may 28 libong  katao naman sa CIQ KSAB.

Bukod pa rito, sinabi ni Onn Hafiz na karamihan sa mga Malaysian ay gumagamit ng pribadong sasakyan, gayundin ng mga motorsiklo.

Para naman sa mga dayuhan, karamihan sa mga ito ay nagbibiyahe sa pamamagitan ng bus at motorsiklo.

Samantala, ang Immigration Department ay nagtalaga ng 1,631 personnel habang ang Customs Department ay mayroong 722 personnel, sinundan ng 87 personnel mula sa Road Transport Department at 206 police officers.

Follow SMNI NEWS in Twitter