SUMAILALIM sa kidney surgery ang basketbolistang si Borisa Simanic ng Serbia kasunod ng injury na nakuha nito sa 2023 FIBA World Cup.
Nitong Setyembre 3 nang tuluyang tinanggal ang isang kidney ni Simanic.
Matatandaang noong Agosto 30 sa naging laro ng Serbia at South Sudan nang natamo nito ang kaniyang injury matapos natamaan ng siko ni Sudanese player na si Nuni Omot.
Umaasa ang Serbian Team ngayon na magiging smooth ang recovery ng kanilang player.