Born Pink tour ng Blackpink, makikita na sa worldwide cinemas

Born Pink tour ng Blackpink, makikita na sa worldwide cinemas

MAKIKITA na sa worldwide cinemas ang “Born Pink” tour ng Blackpink.

Bagamat limited ang screenings, magsisimula ang worldwide release nito sa Hulyo 31.

Sa Pilipinas, sa SM Cinemas ito makikita subalit iaanunsiyo pa lang nila ang pagsisimula ng ticket selling.

Sa ibang bansa ay sa Hunyo 27 na ang ticket selling habang sa South Korea ay sa Hulyo 17.

Samantala, nasa Pilipinas na si Suho ng K-pop boy group na EXO.

Bilang paghahanda ito ng artist bago gaganapin ang Manila leg ng kaniyang “2024 Suho Concert Su:Home Asia Tour” sa Hunyo 22, 6 pm.

Sa interested EXO-LS, available pa ang ticket sa ticket.net.ph ayon sa Wilbros Live.

Ang venue ng concert ni Suho ay sa Araneta Coliseum.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble