NANINIWALA si Boss Dada, isang political vlogger na ibang klase ng politika ang ihahatid ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Aniya, ang Butihing Pastor ay huling baraha para sa magandang Pilipinas.
“Different brand of politics ang dadalhin ni Pastor Apollo. Kung nabago ni Pastor Quiboloy ‘yung puso ng members nila na dating makakaliwa, ang dating suwail napabait at napasunod niya, babaguhin ni Pastor Apollo ‘yung paradigm, ‘yung nakaugalian.”
“At ako, itataya ko lahat para diyan. Kung palalagpasin pa natin ito, wala na, baka ito na ‘yung huling baraha natin para magkaroon tayo ng magandang Pilipinas sa hinaharap,” ayon kay Boss Dada, Political Vlogger.