Boss Dada, tumanggap ng parangal mula sa Amerika Prestige Awards

Boss Dada, tumanggap ng parangal mula sa Amerika Prestige Awards

TUMANGGAP ng parangal sa Hollywood, USA ang SMNI anchor at political vlogger na si Boss Dada TV.

Hinirang si Boss Dada o si Darwin Salcedo sa totoong buhay bilang ‘Outsanding Independent Vlogger & Content Creator’ sa Pilipinas ng Amerika Prestige Awards.

Kinikilala ng award-giving body ang natatanging kontribusyon ng Filipino actors, singers, artists, personalities at entrepreneur sa pagpapakilala ng husay nating mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.

“Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon, sa Amerika Prestige Awards, sa Banateros Worldwide at sa mga sumusuporta sa atin. Ang SMNI family at KOJC family natin at kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa malaking break na ibinigay sa amin on national tv,” saad ni Boss Dada, Political Vlogger.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble