KINAKAILANGANG mag-adjust ng Boston Celtics sa isang buong season na suspensyon ng coach nitong si Ime Idoka at sa pagdating ng bago nitong interim coach na si Joe Mazzula.
Sisimulan ng Celtics ang 2022-23 NBA campaign nito sa homecourt nito laban sa Philadelphia sa ilalim ng kanilang ikatlong coach.
Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang nang patawan ng management ng Celtics ng full season ban laban kay Udoka matapos na madiskubre na nagkaroon ito ng relasyon sa isang staff member nito at paglabag sa team rules.
Ilang araw lamang bago magsimula ang training camp, umasa ang Celtics sa 34 taong gulang na si Mazulla, isang Boston assistant sa nakalipas na tatlong season upang gabayan ang team na kinokonsiderang isa sa NBA title contenders ngayong season.
Ayon naman kay Mazulla, masuwerte ang kanyang sitwasyon dahil nasa Celtics na siya sa loob ng tatlong taon at mayroon silang off-season upang paghandaan ang nais nilang mangyari bago tumungo sa season.