SINUSPINDE na ng Boston Celtics ang head coach nitong si Ime Udoka sa buong 2022-23 National Basketball Association (NBA) season ngayong araw dahil sa paglabag nito sa panuntunan ng organisasyon.
Ayon sa pahayag ng Boston Celtics, ang magiging desisyon sa susunod na season ni Udoka sa kanilang team ay magkakaroon ng linaw sa mga susunod na panahon.
Matatandaan na nauna nang iniulat ng ESPN at The Athletic na nagkaroon ang 45 taong gulang na Nigerian-American ng consensual relationship sa isang babaeng miyembro ng Eltics staff na lumabag sa Code of Franchise ng Celtics.
Ayon kay Udoka, humihingi ito ng dispensa sa mga manlalaro, fans, sa buong Celtics Organization at pamilya dahil sa kanyang nagawa.
Humihingi rin ito ng dispensa sa naging epekto ng kanyang aksyon sa buong team at tinatanggap aniya ang desisyon ng Celtics.
Sa una nitong season bilang head coach, pinangunahan na ni Udoka ang Celtics sa NBA Finals kung saan natalo ito ng Golden State Warriors sa anim na laro.