POSIBLENG magiging sunud-sunod ang mga boxing match ni Carlo Paalam sa ikalawang World Olympic Boxing Qualifying Tournament sa Bangkok, Thailand.
Ito’y dahil simula ngayong araw, Mayo 30, 2024, sasabak siya sa isang laban kontra Artur Bazeyan ng Armenia.
Kung papalaring mananalo kontra Bazeyan ay makakalaban naman nito ang mananalo sa boxing match nina Jose De Los Santos ng Dominican Republic at Lee Cheng-Wei ng Chinese-Taipei ngayong Biyernes, Mayo 31.
Matatandaang para makakuha ng puwesto si Paalam sa Paris Games ay kailangan pa nito manalo ng tatlong laro.