HINIKAYAT ni television host Boy Abunda ang publiko na huwag paniwalaan ang mga advertisement na kumakalat sa internet kung saan makikitang ini-interview niya si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patungkol sa isang investment.
Aniya, ito’y dahil fake news ang balitang iniendorso nila ang isang cryptocurrency.
Maliban pa sa kanila ay ginagamit din ang ilang mga news media para umano’y ipakitang nagbabalita hinggil sa naturang cryptocurrency.
Ayon kay Boy, mag-ingat ang publiko hinggil dito dahil nililinlang lang sila para ipagkatiwala ang kanilang pera sa ganitong uri ng investments.