BPI, kumikilos na para solusyunan ang sakit na pumipinsala sa industriya ng saging sa Mindanao

BPI, kumikilos na para solusyunan ang sakit na pumipinsala sa industriya ng saging sa Mindanao

INAKSYUNAN na ng Bureau of Plant and Industry (BPI) ang tugon sa nararanasang pinsala sa banana industry sa Mindanao.

Nakipagpulong na ang Department of Agriculture (DA), BPI  sa mga banana planter para tukuyin ang posibleng tulong na ibibigay para sa naapektuhan ng Fusarium wilt.

Ang Fusarium wilt ay isang uri ng fungus na sakit ng mga halaman na umaatake sa banana plantation at iba pang halaman sa Mindanao.

Sa isang pahayag, ipinatatawag ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang mga Pilipino Banana Growers and Exporters Association para pag-usapan ang hakbang na gagawin sa industriya.

At mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nag-utos sa DA na tugunan ang problemang ito.

Isa ang Mindanao sa may malalaking ektarya ng taniman ng saging, at ito rin ang may pinakamaraming ini-export na lugar.

Kabilang sa mga bansa na ini-exportan ng saging ay China, Japan, Korea at Estados Unidos.

Follow SMNI NEWS in Twitter