NAGLABAS na ng opisyal na pahayag ang Bank of the Philippine Islands (BPI) kaugnay sa debit transactions ng ilang account holders.
Sa isang pahayag, inamin ng BPI na dalawang beses na post ang ilang transaksyon na ginawa ng kanilang mga customer mula Disyembre 30-31, 2022.
Kabilang dito ang mga transaksyon na ginawa sa ATM, CAM deposits, POS at e-commerce debit.
Siniguro naman ng BPI na gumagawa na sila ng hakbang para maiayos ang problema at ma-reverse ang mga duplicate transaction.
Tiniyak din ng BPI sa publiko na “safe and secure” ang kanilang mga account.