MAS nakahahawa kaysa sa ibang Omicron subvariant ang BQ.1 COVID-19 Omicron subvariant.
14 na ng BQ. 1 cases ang na-detect dito sa ating bansa ang BQ. 1 ay bagong subvariant ng Omicron.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, mas nakakapanghawa at mas highly immune evasive ito kung ikukumpara sa ibang Omicron subvariants.
“What we know so far from this BQ.1 and BQ.1.1 would be that it is more transmissible and also it is highly immune-evasive compared to the other subvariants of Omicron,” saad ni Usec. Maria Rosario Vergeire, Officer in Charge, DOH.
Ayon naman sa datos ng OCTA Research Group, mula 7.5 percent noong Nobyembre 19 ay umakyat sa 11.1% ang positivity rate sa bansa noong Nobyembre 26.
Aminado ang DOH na dahil sa bagong subvariant kaya may pagtaas sa bilang ng mga nagpopositibo sa sakit.
Sen. Bong Go, nanawagan sa publiko na magpabakuna para malabanan ang BQ.1 COVID-19 Omicron subvariant
Umapela naman si Sen. Bong Go sa publiko na magbakuna na para makaiwas sa BQ.1 at iba pang COVID-19 variants.
Sa datos DOH, 13 local cases ng BQ.1 ang naitala sa Cordillera, Ilocos, at Central Visayas Regions, at National Capital Region.
DOH, wala pang itinatalagang bagong kalihim
Samantala hanggang ngayon ay wala pang itinatalagang bagong permanenteng kalihim ang DOH.
Si Senator Christopher Bong Go, ang chairman ng Senate Committee on Health, ay nagpahayag sa kung sino ang gusto nitong ilagay sa pwesto.
Usec. Vergerie, isang magaling na acting DOH Sec- Sen. Bong Go
Naniniwala si Go na mahusay at magaling ang kasalukuyang pinuno ng DOH na si Usec. Vergeire
Samantala maliban sa DOH Secretary, pabor si Sen. Go na magkaroon na ng full time DA Sec. ang Department of Agriculture.
Kamakailan lang nang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kinukonsidera na ng Pangulo ang pagtatalaga ng kalihim ng DA.