PINAPAHINTO na muna ng Hollywood actor na si Brad Pitt ang filming ng kaniyang Formula 1 movie.
Ang pinahinto na filming schedule ni Pitt ay ang isasagawa sana sa the Circuit de Spa Francorchamps sa Belgium nitong Hulyo 30.
Ang hakbang ay bilang pagpapakita aniya ng suporta sa isinasagawang kilos-protesta sa Hollywood.
Dahil dito, posibleng sa Nobyembre na ipagpapatuloy ang filming.
Nagsimula ang kilos-protesta ng Screen Actors Guild na binubuo ng 160,000 actors at performers ngayong buwan.
Ipinaglalaban nila ang magkaroon ng pay hike sa kanilang hanay.