INAPRUBAHAN na ng United States Food and Drug Administration (US-FDA) ang brain-implant company ni Elon Musk na Neuralink para sa isang kauna-unahang in-human clinical trial.
Layunin ng brain implants ang matulungan ang mga indibidwal na may kondisyon tulad ng obesity, autism, depression, at schizophrenia.
Saklaw rin sa pag-aaral ang magiging kakayahan ng tao hinggil sa web browsing at telepathy.
Matagal-tagal ding inaprubahan ang clinical trial na hiling ng Neuralink dahil sa napakaraming safety factors.
Sakali namang magiging tagumpay, sinabi ni Musk na handa siyang magkaroon ng brain-implant ang kaniyang mga anak.