Brand of leadership ng mga Duterte, nakikita kay VP-elect Sara Duterte – pol analyst

Brand of leadership ng mga Duterte, nakikita kay VP-elect Sara Duterte – pol analyst

ICONIC si Vice President-elect Inday Sara Duterte dahil makikita sa kanya ang brand of leadership ng mga Duterte.

Ito ang pagsasalarawan ni political analyst Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News kay VP-elect matapos ang inagurasyon nito kahapon, Hunyo 19.

Aniya, ang talumpati ni Inday Sara ay sumasalamin sa mismong ugali nito at nararamdaman din ng eksperto na hindi kailanman sasalungat ang VP-elect sa kanyang prinsipyo sa larangan ng leadership o pagbibigay serbisyo sa bansa.

Sa magiging plataporma ni VP Inday Sara, nararamdaman ni Malindog-Uy na sesentro ito sa parenting, gender issues at mga kaugnay na paksa batay sa inilahad nito sa kanyang speech.

Naniniwala rin ang political analyst na dadalhin ni VP-elect ang peace building.

Sang-ayon naman si Malindog-Uy na dapat na tutukan ng Education Department ang malnutrisyon ng kabataan at maging ang panunumbalik ng GMRC.

Follow SMNI NEWS in Twitter