TINURING kampyeon ang Brazil sa katatapos lamang na Junior Pan American Games sa Cali Colombia.
Sa katatapos lamang na Junior Pan American Games sa Cali Colombia ay inuwi ng Brazil ang kampyeonato at nag-uwi ito ng 164 na medalya sa torneyo.
Ang pagkapanalo ng Brazil sa Games ay magsisilbi na ring qualifiers para sa Santiago 2023 Pan American Games.
Nasungkit ng bansa ang 59 gold, 49 silver, at 56 naman ang bronze medal at bukod pa sa mga medalya ay nakapag-qualify din ang Brazil team ng 77 lugar para sa 2023 Pan American Games.
Pahayag ni Paulo Wanderley, Presidente ng Brazilian Olympic Committee (CO), sa kabila ng mga hamon na hinarap nito sa kompetisyon ay ibinigay ng Brazil ang lahat para sa mga torneyo.
Samantala, Brazilians din ang tinaguriang great medalist sa kompetisyon kabilang na ang labing pitong gulang na si Stephanie Balduccini na nanalo ng 7 gold medals, na sinundan naman ni Breno Correia, at Ana Carolina Vieira na parehong panalo ng 5 gold at isang silver medal.