Brazil, kinumpirma ang bagong kaso ng superfungus

Brazil, kinumpirma ang bagong kaso ng superfungus

KINUMPIRMA ng Health authorities ng Brazil ang panibagong kaso ng superfungus sa bansa.

Ito ang pangatlo at panibagong kaso ng Candida Auris sa bansa ayon sa National Health Surveillance Agency (ANVISA) ng Brazil.

Nadiskubre ang unang dalawang kaso mula sa ospital sa Pernambuco, Disyembre ng taong 2020, at sa parehong ospital ay muli na naman itong naiulat.

Ayon sa mga awtoridad ay maaaring nagsanhi ng bloodstream infection at iba pang impeksyon na nakamamatay ang Candida Auris, lalo na sa mga immunosurpressed patients o ang mga may comorbidities.

Matapos madiskubre ang superfungus ay agad nagpaabot ng babala ang ANVISA sa publiko na maaaring makaapekto sa global health.

Ang Candida Auris ay isang superfungus na hindi tinatablan ng antibiotics maging ng kahit anong disinfectant.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.