Nadiskubre ng Brazilian scientists sa kanilang bansa ang skeleton ng pinaniniwalaang isa sa mga pinakamatandang uri ng dinosaurs sa mundo.
Partikular na nakita ito sa Rio Grande do Sul kasunod ng malakas na mga pag-ulan na sanhi ng pagkakaroon ng pagguho sa reservoir ng Sao Joao do Polesine.
Tinatayang nasa 233 million years old na ito ayon sa isang palaeontologist at kasali sa Herrerasauridae family na pagala-pagala sa Brazil at Argentina noong Triassic period.
Nasa 8.2 feet ang haba nito ayon sa dokumento ng mga scientist.